Saturday, May 26, 2012

Travel Missions Accomplished! ^_^

May 20. Maaga akong nagsimba. Habang papunta sa simbahan, nag iisip ako kung saan magandang pumunta. Ang plano talaga namin ni neiL, pumunta sa Kwebang Lampas dahil namimiss ko na ang beach. Kaso nasasayangan ako sa travel time, mas matagal pa ang biyahe kaysa sa pagstay sa beach. At may nabasa ako na madumi daw dun. So cancelled na. After ng misa, sumakay na ako ng LRT. At habang nasa biyahe, naghahanap na ako kung paano pumunta pa-Tagaytay! Naisip ko kasi since hindi pa ako nakakapunta dun. Hmmmm, hindi counted ang dumaan, tumambay sa starbucks at nagpicture background ang Taal Lake. Hehe! What I mean sa hindi pa nakakapunta is, hindi pa nakakagala sa People's Park, Picnic Grove at kung saan-saan pang tourist destination sa Tagaytay. Kaya ito ang naisip kong puntahan. At isa pa, gusto ko ring i-try gumala mag-isa! Haha!

Paano pumunta sa Tagaytay from Marikina? Simple lang.                                      
1. Sakay ng LRT2 baba ng Recto Station. (P14 )                                                                              
2. Jeep to UN then mag-abang ng bus. (P8 )                                                                                    
3. Sumakay ng bus papuntang Nasugbu na may Tagaytay-Olivarez na signboard. (P90)
Thanks Google!:)

Nung nasa bus na ako, tsaka lang ako ng text kay Mama at neiL na pupunta akong Tagaytay. Sabi ni Mama, Sino kasama mo? Sabi ko, wala po, ako lang. Sagot niya, Ingat! Si neiL, akala ko ba sa bahay ka lang? Sagot ko, Eh bigla kong naisip na pumunta ng Tagaytay eh! :P Sabi ko sunduin na lang niya ako pag-uwi ko. Haha!

Familiar na ako sa Rotonda, nakakatuwa na nandun na ako, mag-isa. :) Nagtanong-tanong kung saan ang sakayan papuntang People's Park. Medyo  Malayo ang nilakad ko pabalik ng terminal, dapat pala sinabi ko sa konduktor na ibaba ako sa sakayan papuntang People's Park. Next time. Nakakatakot lang ang terminal nila, dead-end tapos parang tambayan lang ng mga nagpapahingang mga drivers. Nung nakasakay na ako, okay naman ang biyahe, P17 ang pamasahe. Nadaanan na rin ang Picnic Grove kaya alam ko na kung saan ang susunod kong pupuntahan.

Pagdating ko sa People's Park, bayad ng entrance fee, P30 then lakad na. Ang ganda lang ng dating ko, tanghaling tapat! Ang init. Hindi ko maramdaman ang Tagaytay. Maganda ang view dito. Pero halatang hindi naaalagaan. Naisip ko lang. Para saan pa ang entrance fee kung ganun lang din naman? Lakad-lakad hanggang sa mapagod at magdecide ng pumunta sa Picnic Grove. 
Bumili ako ng pasalubong na pinya at saging (P100) , before sumakay ng jeep papuntang Picnic Grove. P7 pababa sa terminal then P8 papuntang Picnic Grove, P50 entrance fee. Ang una kong napansin? Ambaho! Haha! Iyong sa kabayo. Tapos ang daming tao. Naghanap na ako kung saan makakakain. Gusto ko talaga sanang kumain ng bulalo kaso naman soobrang init! After kumain, libot-libot. Mas okay dito tumambay, may dala ka lang sapin at pagkain, latag lang sa damuhan, solb na. Naaliw akong panoorin ang mga batang naglalaro ng saranggola. Sa pagbalik ko dito, alam ko na ang mga dadalhin ko. :)
Pahinga at libot ng unti hanggang sa maramdaman ko na ang aking taunang bisita, si Ulan. Taon-taon na lang lagi niya akong binibisita kaya ngdecide na akong sumakay pauwi. Kawawa naman ang mga pamilyang nag-eenjoy pa dito kung uulanin lang sila. 

Pagsakay ko ng bus, binati na niya ako, wala ka talagang kupas, ulan! :P

Travel Mission#1: Makapunta sa Tagaytay! :)

Travel Mission#2: Makapaggalang mag-isa!

Travel Mission#3: Birthday Travel! :)

11 comments:

Nicole said...

Babalik ako sa Tagaytay!! :)

anney said...

Uy Happy birthday! Would like to go back sa tagaytay din marami pako di napunpuntahan.

Chyng said...

wee, akalain mong nasa tagaytay tayo at the same time! kaya pala deadma ka makipagmeet. hehe

congrats! =)

Kura said...

Wow! nakakamiss naman ang blueberry cheesecake. Nga pala, I'm not sure pero parang I saw you nung Friday morning. Sa tapat ng bakanteng lote ng nasirang Eastern Star Academy. hihihi! Nahiya naman akong dumungaw sa FX at sumigaw ng Nicole!!!! tapos hindi mo ko makikilala. haha!

happy happy birthday ulit..

KULAPITOT said...

tagaytay ang place na kung saan talga konting tumbling mo lng may libreng malamig na hangin agad.

Mitch said...

For sure ur very fulfilled being accomplished everything for this time! Sarap ng Tagaytay... lalo pag ber months! Happy bday!

Nicole said...

@anney - thanks! uu nga ang dami pa. :)

@chyng- teh! Haha! Gusto ko talaga sana makipagmeet sa inyo kaso nahiya ako sa isa ninyong kasama ni Donnie! Haha! Mahiyain mode. Haha!

@Kura - yes yes! kami nga iyon! haha! Im sure makikilala kita. :) home-made ang blueberry cheesecake na yan. Haha!

Kulapitot - tama! Thanks for droppin' by. :)

Mitch - Tama! :D Nakakatuwa lang sa naaccomplished ko. :)

Unknown said...

Happy Birthday at Congratz sa mission accomplished!

thepinaysolobackpacker said...

tamang tama, naghahanap ako ng post pano mag commute papuntang Tagaytay. thanks for sharing!

The Mommist said...

Sarap sa tagaytay! Lamig ba nung pumunta kayo? Ganda ng pictures! :)

I followed you on Google Friend Connect. Hope to get a follow back. :) TY

themommist.blogspot.com

Anonymous said...

Thanks sa tip on how to go there na walang private ride na dala... I would like to try that with my friends when I get home... - Genesis-

genesisparedesdawal.com