Sunday, February 05, 2012

Foodtrip in Cebu

Last month, sa Cebu kami nagcelebrate ng aming anniversary, syempre hindi mawawala ang foodtrips. :)

Orange Brutus: Dahil sa super super late na kami nakarating sa Cebu at maulan pa, wala na kaming makitang ibang bukas na kainan na wala sa Manila. Pagpasok namin feeling ko nasa Jollibee ako. Haha! Ang wall design, table set-up and color combinations, ang menu meron din silang katulad sa Jollibee like spaghetti , burger at fries at syempre ang wala sa Jollibee ang inorder namin. :) Masarap naman, lalo na ang mango shake. :) Mura din. Ok din ang servings.
Sizzling Porkchop
Chicken Chicharon
Mango Shake

Casa Verde - Akala ko hindi na kami makakakain dito dahil sa super late na nga kaming dumating ng Cebu, buti na lang delayed flight ang pauwi namin ng Manila kaya may time  mahabang time pa kami para matikman ang famous Brian's Ribs. :D 

Nabasa ko sa blogs na malaki ang servings dito pero hindi ko expected na ganun kalaki! Nagulat pa din ako! Haha! Ang sarap! At sa sarap niya nagtake-out ako pauwing Manila! :D
Brian's Ribs! Yummy!!! <3
Anyare sa focus?! Sorry naman. Focus kasi sa pagkain ang nasa isip! :D Good for 3 pax ang pagkaing ito, as in. Haha! At dahil nga hindi naman namin alam na ganun talaga ito kalaki, umorder pa kami ng iba! Bawing-bawi ang late lunch at early dinner! Haha!
Surf and Turf
Buffalo Wings
Chocolate Shake
Sarap ng steak, sakto ang lambot. :) Ang buffalo wings, walang kakaiba akong natikman. Sarap din ng shake. Hays, nagugutom ako habang nagsusulat! Haha! Akala ninyo tapos na kami, syempre may dessert pa! Tadan! :)
Death by Chocolate <3

Anlaki at ansarap! :) Haha! Wala na ata akong sinabi kundi puro ang sarap! Basta ang sarap. :) Tapos ang laki pa ng serving nito. Akala ko parang ordinaryong cake slice lang pero hindi pala. Ang taas. Yum!!

Hindi ko na matandaan ang price ng bawat isa pero pagkakatanda ko less than 1k lahat ito. Must-try ito sa Cebu. :) Babalik kami dito for sure. :) At sana matry din namin sa main branch nila. <3

8 comments:

Nicole said...

hays!! Kung meron lang Casa Verde dito sa Manila, im sure nandun kami bukas! :D

Chyng said...

yan lang din bet kong gawin sa cebu, ang lagfoodtrip! hehe

popoygelo said...

@nicole: balik ulit tayo dun teh. madami pa tayong beaches na pwedeng puntahan. :D

Kura said...

huwaaaw! sayang hindi ako nakapag food trip nung nasa Cebu ako. Sa CNT lechon lang ako nagpakalunod. hahaha! Next time i'll try those. The cake looks like the one in Calea Bacolod. Yummy!

blissfulguro said...

tama si maricar^_^, parang calea sa bacolod... sarap talaga mag food trip noh?! nagutom tuloy ako...

Donnie Ray said...

hi there! sayang di tayo nagkita sa cebu nandun din ako nun feb 4-5...

anyway, nakablogroll pala ako sayo. thanks!

link mo uli..binago ko kasi name ng blog ko ;)

blogroll din kita ;)

Mitch said...

Yikes! Sarap naman at big servings..one of the best requirements ko when it comes to food aside from the taste is yung servings nila! aprub!

turista project said...

tatandaan ko 'yan haha -- brutus = jollibee. pero mukhang puro ang mango shake nila, yummy. even the other resto's chocolate shake eh mukhang espesyal.