Sunday, January 15, 2012

On our way to Happiness! ♥

Ang gusto sana ni neiL icelebrate ang anniversary namin sa Nagsasa! Instant favorite na niya agad iyon! Sabi ko sa iba naman. Gusto ko talaga sa Bantayan. Kaso dahil sa wala nga kaming sure na plano, hindi ako nagbobooked kapag may sale. Meron pang sa Bataan. Sa Ilocos. Pero after ilang lambing, pumayag din siya sa Cebu. :) Lakas ng convincing powers ko! Haha! 

January 6, Friday. Naka-leave na ako. Siya pumasok pa siya hanggang 2PM tutal gabi pa naman ang flight namin. Nagkita na lang kami sa SM Ayala at doon nagtaxi papuntang airport, first time namin sa Domestic Terminal at sumakay sa ZestAir. 
Pagkatapos ng karanasang ito with ZestAir, maginhawa naman kaming nakarating sa Cebu. Sobrang late na nga, umuulan pa. :( 
Nagpahatid na kami sa Verbena Pension tapos lumabas para maghanap ng makakainan. Sobrang gutom na kasi kami. At dahil maulan, wala na ang mga kainan sa gitna ng Fuente Circle, nagsiligpitan na sila. Hanap kami hanggang makita namin ang Orange Brutus, para itong Jollibee at Mcdo; burger, spag, french fries, pero meron silang ibang menu, sizzling at fresh fruit shakes. :) Masarap naman at nabusog kami. Balik hotel at pahinga para sa mahabang biyahe kinabukasan. 

January 7, Saturday. After namin mag agahan, nagcheck-out na kami at dumirecho na sa Nortern Bus Terminal. Dapat dadaan muna kami sa Fort San Pedro para sa Lakbay Rizal kaso umuulan na naman. :( Hirap bumiyahe. Pagdating namin sa terminal, may van ang naghihintay ng pasahero na dadaan sa Hagnaya. Tinanong ng driver kung nagmamadali kami, pwede daw naming irent ang van niya, P2500, hati-hati na lang daw kami ng 2 pang pasahero na nakasakay na, sabi namin, hindi naman kami nagmamadali, ang mahal kaya! Haha! Wala pang isang oras na paghihintay, napuno na ang van at ready to go na kami! :) 
Buti na lang medyo gumanda na ang panahon. Tulog muna dahil 3 hrs ang biyahe na ito. Hehe! Nung una, ok ang biyahe namin, kalmado lang ang takbo. Easy easy. Pero nagising na lang ako na para na akong dinuduyan. Ang bilis na ng takbo namin at ang daan! Parang papuntang Baguio! Zigzag!! Hindi ko ito expected. Ang akala ko naman na 3 hrs na biyahe sa mga nababasa ko, isang derecho lang so keribels lang. Pero hindi pala, mala-Baguio ang drama ng daan. Hindi na ulit ako nakatulog, sa totoo lang natatakot ako. Haha! At feeling ko pa, ang tagal na ng biyahe namin, eh isang oras palang iyon. Feeling ko pa, nakalimutan na kami ni Kuya Driver na idaan sa Hagnaya kasi bundok na ang inaakyat namin. May RoRo ba sa taas ng bundok?? Haha! Pero ayon  pala, sa kabilang bundok ang RoRo. :) Ganun ang daan pero ang ganda sa ibaba, green at dagat. :) 
Huwag kang matakot, kasama mo ako.  ♥
Nagstop-over kami sa Titay's, sarap ng tinapay dito. :) 
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras na biyahe, nakarating din kami sa Hagnaya. Kaya pala kami mabilis, hinabol ni Kuya Driver ang biyahe ng RoRo na 2:30PM kasi ang susunod pala dun, 4:30PM na! Salamat Kuya, kahit natakot ako. Hehe!
RoRo to Bantayan Island for 1 hr.
Bumili na kami ng ticket then sakay na sa RoRo. Sakto naman umalis. Tulog ulit, 1 oras ang ilalakbay nito eh. Nung malapit na kami sa Sta.Fe, umuulan na naman. :( Medyo lumakas ang alon pero keri pa naman. 
Pagbaba namin sa RoRo,wala na ulit ulan at naghihintay na samin si Mang Dodong, ang driver ng Kota Beach. At wala pang 10 minutes drive, nasa Kota Beach na kami!!
Dinala na kami sa room namin then baba ng gamit, pictorial na sa beach! Namiss ko ito! ^__^
Habang abala kami sa pictorial, ayan na naman ang ulan. :( No choice kundi itigil ang pictorial at bumalik sa room. :( Pero kahit umuulan, nagdecide kaming magpunta sa Sta.Fe Market para maghanap ng makakainan or mabibiling pagkain. Ang lapit lang ng Kota Beach sa market. After namin mamili, sa veranda ng room na lang kami ng dinner date. ♥
Happy 5th Anniversary to us!

8 comments:

Nicole said...

Quota na! Next time ulit ang island tour at gala around Bantayan via Motor! :D

princess_dyanie said...

Happy 5th teh! Tamis nyo tse! Choz!

Chyng said...

tamis, meron pang 60 sa wall. hehe for sure ikaw nagpasinumo nun. keso. ♥

anney said...

Di ko pa na try sumakay sa Roro. Happy 5th anniversary sa inyong 2!

Michi said...

wow, thanks sa info na mala-baguio papunta ng bantayan. mahiluhin din ako, hehe!

DK said...

wow! ikaw na! kayo na! happy 60th and counting. swerte daw magpakasal this year of the dragon. hehe. :)

anyway, worth it ba yung byahe? sa tingin mo mas ok pa sa malapascua? hehe.

Mitch said...

Sort of a long ride right? but worth it just like celebrating 5 years of being together with your man..

ganda said...

wehh? swerte daw dex?
naku neng...pwede na, sabihan mo nalang ako kung anong maitutulong ko ha! heheh!

happy birthday sainyong dalawa!
God bless on your relationship...stay happy and enjoy! :)