Monday, January 23, 2012

Last Day in Cebu!

January 9, Monday. Maaga kaming gumising para makipagsapalaran na makita si Haring Araw ngunit bigo pa din. :( Naglakad-lakad na lang kami at tinignan ang mga katabing beach resort ng Kota Beach. 
Budyong



Yooneek

Wall lang ang pagitan ng Budyong at Kota Beach, ang Yooneek naman medyo 20 hakbang ang layo sa Budyong. Haha! Joke lang. Basta malapit lang din. Kakaiba lang ang beach front dito sa Yooneek, pababa. Naisip namin na ganun kataas ang hightide? Pero syempre, kami lang iyon. Hehe! After naming maglibot, pictorial ulit before mag-ayos pauwi. :)

Image and video hosting by TinyPic
Low tide kaya nakakatuwang nasa gitna na kami, ambabaw pa din. At kita ang kalat! Ewww! :S Habang nag-aayos kami ng gamit, napansin namin na walang kuryente! Brown-out!!! Buti na lang pauwi na kami, tamang timing si Manong Meralco. ;)
Dapat sa 10:30AM na RoRo kami sasakay pero sabi ni Kuya Dodong sa 11:30AM na daw kami para mas mabilis at A/C na bus ang nasa Hagnaya. At tama nga siya! ;) Mas mabilis ang Island Shipping compare sa Super Shuttle kasi ang IS pang-tao lang wala siyang kargong kasama. At saka meron silang A/C (1st Class) na seats. Mas komportable, P15 ang difference sa non-A/C. 
1st Class
Pagdating namin sa Hagnaya, sakto may air-con bus na papaalis. :) Thank you Kuya Dodong sa tip! ;) After magbayad, tulog muna, mahaba-habang paglalakbay na naman ito. Ang napansin ko lang, hindi ko masyadong naramdaman ang mala-Baguio na daan, hindi ko alam kung tulog na tulog lang talaga ako o nagmamadali lang talaga kami nung papunta. Walang stop-over kaya tiyaga kami sa tinapay na baon namin for lunch. Paano namin nalaman na malapit na kami sa terminal? Simple, traffic na! Sobrang traffic. 1:11PM umalis ang bus sa Hagnaya dumating kami sa terminal ng 4:23PM, ayon sa timestamps ni jL.
Humanap na kami ng taxi papuntang Casa Verde para sa aming late lunch early dinner. :) Sa may IT Park na kaming branch nagpahatid. 
Yum! Yum! :D
Pagkatapos magpakabusog, taxi ulit para naman bumili ng gitara sa may Lapu-Lapu. Natraffic na kami. Akala nga namin wala na kaming maabutang bukas na bilihan buti na lang meron pa! :) Sa Guitar Master kami nakabili. P1,900 each, 2 ang binili namin. Isa para sa sis ni neiL at isa sken! Feeling musikero? ;) Hindi naman talaga kami marunong maggitara kaya nakakatuwa si Kuya Ronnie ( Ronnie pala ang name niya, nakita ko lang dito. Hehe! ) at hinanapan talaga niya kami ng dapat sa tulad namin. :)
Pink sa sis ni neiL, iyong nasa left na medyo white(?) naman for me! :)
Pagkabili derecho na kami sa airport at gulo-gulong masayang sumakay sa PAL with Airphil Tickets! :)
Hanggang sa susunod Cebu! See you soon! ;)

3 comments:

Nicole said...

Gusto ko ulit bumalik sa Cebu at mapuntahan ang iba pang beach at makipaglaro sa Butanding! :D

popoygelo said...

Dali! Sama ka na sa akin sa March at sa July, naandun ako. :D

ITSYABOYKORKI said...

i always wanted to go there aww :]