Saturday, January 21, 2012

Bantayan: Sea and Land

January 8,Linggo. Maaga kaming gumising para mag-almusal at bumili ng makakain sa aming island hopping. Gusto din sana naming masilayan ang sunrise pero wala. :( Makulimlim. 
Where are you Mr. Sunshine? :(
Naglakad lang kami papuntang Sta.Fe Market, naghanap ng makakainan. Suman at kape habang nagmamasid sa mga taong nagdadaan galing sa simbahan.
Pagbalik namin sa room, nandun na si Kuya Dodong at hinatid na niya kami sa bangkang aming sasakyan. Malakas ang alon pero mas walang wala pa din sa alon sa Nagsasa. Partida pa ito kasi malaki ang bangkang sinasakyan namin. Malayo ang Virgin Island sa Kota Beach, mga 30-45 minutes din ang nilakbay namin. Nadaanan din namin ang port. 
Virgin Island - Bantayan Version
Excited na kaming makita ang Virgin Island. Ang naiisip naming makikita, island at bahay ng caretaker at mga cottage. Pagdating namin dun, medyo disappointed kami. Maganda pero hindi ko bet ang mga bahay na nandun. Hindi lang isang kubo ang nandun, parang isang magkakamag-anak ata silang nakatira dun. Pero maganda. 
Tindahan, dito din kami nagbayad ng P400.
Nagbayad na kami sa caretaker, hindi ko alam kung entrance ba iyon and/or renta sa cottage pero masyado akong namahalan, P400/2 pax. Tinanong ko kasi if pwede kaming gumamit ng mga cottage ang sabi, pwede, maaga pa naman, wala pang masyadong tao. So ang naisip ko, kung may mga tao, hindi na kami pwedeng gumamit ng cottage? Weird lang. Parang ang mahal lang. Dahil sa maaga pa nga, kami palang ang tao kaya sinulit na lang namin ang bayad.

Mas maganda ang sand dito compare sa sand sa Kota Beach pero may mga part na masakit sa paa ang buhangin, medyo mabato. Pero keri pa din. Kami palang ang guest so pictorial na ito! :)
After namin mapagod sa kaka-jumpshot, kain muna kami. May mga dumating na ring ibang guest. Ang mga boatman nila ang nagluluto. Kami kasi luto na ang dinala namin. Naisip kasi namin na baka mahirapan kaming magluto since laging umuulan. 
Lutuan
Ang isa pa naming napansin dito, ang daming aso. Sabi nga ni neiL, dapat daw hindi Virgin Island ang name nito kundi Dog Island. :P After kumain at mapahinga then ready to go na. Snorkeling time! :)
Malapit lang ang pinagdalhan sa amin nila kuya. Natuwa naman ako dito. Ang liliit ng isda at ang dami nila. :) Kami na din ang nagsawa kakapakain sa kanila. :D
Pagkatapos naming magsnorkeling, uwian na. Hindi na kami dumaan sa isang island kasi ang sakit na sa balat ng init. 
Banlaw, pahinga then ready na ulit gumala, pero this time via motor naman! :)
Hindi kami nakapagresearch ng mga pwedeng puntahan dito ng kami lang. As in walang guide. Kaya sabi namin, kahit saan na lang! Magtanong na lang kami. :)
Nilibot lang namin ang Sta.Fe, from Kota Beach to Port. Pagbalik namin may nakita kaming natitinda ng mga chorizo. Ayon sa nabasa ko, must-try daw ito, so bili kami. Masarap nga! :)
Nagtanong na din kami sa tindera kung paano pumunta sa oldest church, derecho lang daw. Mga 11 kilometers daw. Kami naman, go! Haha! On the way na kami nandiyan na naman ang ulan. Ano pa ba ang aasahan, e d basa kami. Pero ok lang, part of experience! ;)

Mga 20 minutes drive ata iyon,hindi ko na matandaan, narating din namin. May misa kaya hindi na namin kinuhaan ng picture ang loob. 
Sts. Peter and Paul Church
Pumunta din kami sa palengke at bumili ng danggit, mas mura daw dito compare sa city. Nakakatuwa ang fish bone! P20 isang balot. :)
Hindi na din kami masyadong nagtagal dito, bukod sa umuulan, gabi na. Mahirap na ang pagbalik sa Sta.Fe. Bumili kami ng dinner at sa veranda ulit kami kumain. <3

3 comments:

Nicole said...

Next time na namin puntahan ang iba pang tourist spots! :)

anney said...

Dami nyo din napuntahan! Ganda ng mga kuha nyo sa beach!

Mitch said...

lufet ng jumpshots..kaylangan talaga nakaholding hands? hehehe... Okay na rin kahit maulan. Basta you enjoyed!