Monday, January 31, 2011

Food Trip: Roberta Seafood Cantina

Ordinaryong gabi. Naghahanap ng makakainan bago umuwi. Pareho naming naisip ang Maginhawa Street! Wow soulmate! Haha! Dinirecho lang namin ang kahabaan ng Maginhawa Street at tumingin tingin ng pwedeng kainan. Nakita namin ang BRGR:The Burger Project at Pakibalot Panciteria, kaso ang daming tao! Haha! Ang dami ngang kainan! Kaso ang hirap ng parking! Sa daan ang parking. Hanap pa hanggang sa mapansin namin ang kakaibang menu sa isang kainan. Tinolang Manok sa Pakwan. Hmmm.. Pwede! 
The Place at ang bote ng Pandan Water
Maliit lang sa loob. Pero malinis at maayos. May isang grupo ang tapos ng kumain pagpasok namin. Feeling nga namin, suki na sila. Katsikahan na nila iyong may-ari at mga staff eh. Hehe! Pagkatapos naming umorder, inabutan kami ng mga magazine, naisip ko, baka matagal ang serving kaya may ganito! Haha! Pero hindi naman katagalan, sakto lang. ;)
Tinolang Manok sa Pakwan - P120

Saturday, January 22, 2011

Flaming Wings

Sinugod ang ulan at baha para kumain dito! Haha! Infairness sulit naman ang pagsugod! :) Mura at masarap. :D
Ito ang inorder namin. 
Large red iced tea
Kasama na ito sa Hunger Buster Meal.:)

Monday, January 17, 2011

Food Trip: Pan de Amerikana

Simulan na ang foodtrip ngayong taon! :) Syempre saan pa ba magandang simulan ito kundi sa malapit sa amin. Matagal na akong nakakabasa at nakakapanood about sa Pan de Amerikana at nadadaanan na din namin ito pero hindi kami magkaroon ng chance para kumain at bisitahin ang lugar. Kailangan talaga nakasked! Haha! 
Ang landmark!

Lunch kami pumunta dito kaya feeling ko pagdating namin puno. At akala ko pa need ng reservation para makakain, buti hindi! Hehe! Order kami agad bago maghanap ng mauupuan. Marami ngang tao. May mga estudyante, may barkada, family at may nagcelebrate pa ng birthday. Buti patapos na silang lahat kumain pagdating namin. Nahiya pa kasi akong magpicture nung madami dami pa ang tao. Hehe!

Wednesday, January 12, 2011

Tuesday, January 11, 2011

Anniversary Getaway! ♥

Marami kaming pinagpilian kung saan namin icecelebrate ang aming ika-apat na taon. :) Dahil pareho naming gusto ang beach, malapit lang ang biyahe, pasok ang Zambales. Nakapunta na ako sa Anawangin 2 years ago with college friends. Ito pa nga ang kauna-unahan naming gala eh. Pero hindi nakasama si neiL doon dahil sa bawal ang magsama ng boyfriend! Sabi ko nung nakita ko Anawangin, dadalhin ko doon si neiL, dapat makita din niya iyon! :) At dumating na nga ang takdang panahon. :)

Sa tulong ng GT ( for the nth times! Kasama na ito basta travel ang pag uusapan! Hehe! ), nakakuha ako ng contacts. Ang pinili ko syempre iyong recommended para subok na, si Mang Johnny. :)

Wednesday, January 5. Nagpunta akong Victory Liner sa may España para bumili ng tickets. Kaso lumipat na pala sila. Naglakad ako ng malayo-layo. Pero ok lang kasi mas maganda ang bago nilang terminal sa may Legarda. :)

Thursday, January 6. Pareho pa kaming pumasok sa trabaho dahil 11PM pa naman ang kinuha naming sked. Naggrocery pa ako sa SM Manila para sa mga kailangan namin, hotdog at marshmallow! :D Nagdinner muna kami sa Mang Inasal malapit sa terminal before kami pumunta sa Victory Liner. Mas komportable ang maghintay dito kaysa sa luma nila terminal. :)
Unang picture namin ngayong 2011! :)

11PM. Sakto umalis ang bus.:) Bago pa ang bus nila. Sakto lang ang lamig at ang takbo. :) 
Happy 48th! ♥

Saturday, January 01, 2011

Hello 2011! :)

Huling shot ni jL for 2010! :)
Unang shot ni jL ngayong 2011! :)


Happy New Year!!!!