Saturday, October 08, 2011

Ang Fantasyland at ang Repeater!

Nagpa-massage (P450.00) ang mga kasama ko habang ako nanonood ng tv! Haha! 8PM ang sked papuntang Fantasyland. Biglang umulan ng malakas kaya nagdalawang-isip kami kung pupunta pa ba kami. Hindi kami makatawag sa reception kung tuloy ba o hindi dahil sira pa din ang Chinese telephone namin! Buti na lang tumigil din ang ulan. From reception area pinasakay kami sa van tapos hinatid lang kami sa parking ng bus papuntang Fantasyland! Ang sosyal at yaman nila! Ang dami nilang bus. At puno kami ha. Nasa Dapitan ang Gloria's Fantasyland, halos kalapit lang ng Kainan ni Manay.Sabi ng driver, 11:30PM ang sked pabalik sa Dakak. Ok kuya noted!

Pagpasok sa arkong yan ^ akala namin ito na iyon, kaso wala naman kaming makitang mga rides, sabungan meron, rides wala! Haha! Meron din ditong bilihan ng mga shirt at souvenirs. 
May sarili palang entrance ang Gloria's Fantasyland!
Pagpasok namin, may humarang sa amin at sinabing libre oicture daw! Pose naman kami tapos libre pose pala may bayad print! Hmp! Huwag na no! May camera din kaya kami! :P
Merong nagpplay sa may stage kaso medyo umaambon-ambon kaya walang masyadong tao. Mukhang ok pa naman sila. 
Ang plano namin ma-experience lahat ng libre sa ticket. Game na! 
Una nilang sinakyan ang Galleon. Pass ako kasi alam ko mahihilo ako kapag sumakay ako diyan, ayokong masira ang buong gabi ko dahil diyan! Haha! At sosyal ng Fantasyland, may free wifi! :D
After sa Galleon, pumunta naman kami sa Bull Ride. Unang sumubok si Bhem, kaso unting andar palang pinahinto na niya dahil malalaglag na daw siya. Kami naman nagpapicture na lang. Grabe! Ang sakit sa hita, isipin na lang natin kung umaadar pa iyon db! Sakit at hirap nun!
Gusto sana naming ma-try ang GoKart kaso hindi kasama sa free. P100 daw. Tapos iyong Horror House gusto din sana naming pumasok kaso hindi din kasama. :( Kaya ito na lang pinatulan namin!
Horror House - mukhang nakakatakot sa lood! O.o
Next na sinakyan namin ang Apollo Ride, kung saan dadalhin ka sa Moon! :) Nagulat nga ako kasi gumagalaw pala siya at 3D! Akala ko kasi manonood lang kami. Nakakahilo sa loob, promise!
Paglabas namin, medyo lumalakas na ang ambon. Hinanap na namin ang Bumper Car. Ayos walang napila! Kaso naman ang bilis naman matapos! Kakabitin lang! 
After namin dito, hanap na kami ng makakainan dahil hindi pa kami ngdi-dinner. Sa labas kami naghanap ng makakainan. Sarado na kasi ang mga kainan sa loob. Sa Kan-Anan kami kumain. Bbq, sinigang na isda at leche flan ang inorder namin. Solb! Hindi ko na kuhaan ng picture dahil gutom na talaga ako! Haha!
Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa bus. Past 12 midnight na kami nakaalis sa Fantasyland, ang iba naming kasama nalimutan ata na 11:30PM ang call-time. Kaya pagdating sa room, tulugan na!
18 September. Dahil late na kaming nakatulog last night, ako lang ang may powers para pumunta sa Repeater! Bitbit ko si Bachengcheng at nagdala din ako ng towel at tubig. Mahaba-habang pag-akyat kasi ito. :P
Nagtanong ako sa may reception area kung paano pumunta sa Repeater. Tapos naglakad na ako. Mga 6:45AM ako nagsimulang umakyat. Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad nakita ko na ang hinahanap ko! :D
Mukhang nakakatakot umakyat db! Haha! Madulas ang daan. Malumot. Naisip ko nga habang umaakyat ako, kapag pala may nangyaring hindi maganda sa akin dito, malabong marescue nila ako agad kasi ang liblib. Ang makakarinig lang sa akin si Bachengcheng. Bigla kong namiss si neiL. I'm sure kasi kung kasama ko siya sa lakad na ito, kahit puyat siya, hindi ako papayagang mag-isang umakyat nun dito! Haha!
Pero decided akong makaakyat sa taas. Kahit na mabagal, takot madulas, ok lang! At nakarating na nga ako after ilang hinto at dasal! Worth it naman ang pagod! :D
Familiar ba? Hehe!
Ang aking travel buddy - Bachengcheng! ♥
Merong bahay sa taas at mukhang may tao kasi may kurtina at gumagalaw dahil sa electric fan malamang. Pero wala naman akong nakitang taong lumabas.
Isang disadvatange na mag-isa ka, walang kumukuha ng picture! Nagtry akong kunan ang sarili ko kaso baka malaglag naman si JL! Mahirap na, kaya kamay ko na lang. Hehe! 
Bumaba na din ako after kong magpicture-picture. Mas madali na ang pababa kaso madulas pa din kaya dahan-dahan pa din ako.
Pagbalik ko sa may reception area, nakita ko na ang mga kasama kung nag-aagahan at nakapang swimming na sila! Haha! Kumain na din ako, sulitin ang bayad! :P
Uunti ang pagpipilian compare sa Pearl Farm pero ang sarap ng mga donut nila! Ang lambot. Ok na din, lamang-tiyan din yan! :D
After magbreakfast, hindi na ako pumuntang room para magbihis ng pang swimming, picture-picture na lang dahil isang oras na lang naman at check-out na kami.
Papunta na kami sa room namin nang maisipan ni Bhem na icheck kung magkano ang videoke sa may Verdana Resturant. Libre daw basta umorder lang ng kahit anong drinks. At syempre papalampasin ba niya ito, syempre hindi. Ayon, nagvideoke pa siya! Ang mga price pala sa menu dito sa Dakak hindi pa kasama ang vat kaya mahal.
Meet Bhem, bbf since highshool at adik sa videoke! :D
After magvideoke, madaliang pagbibihis then check-out na. Free ang airport transfer at halos isang oras din ang layo ng Dakak sa Dipolog Airport kaya tulog muna. ;)
Pagdating namin sa Airport, tinulungan kami ng staff ng Dakak. Nice! Lumampas din sa 15kilos ang check-in namin pero napagbigyan naman kami. :) And guess who kung sino ang mga nakasabay namin sa paghintay ng flight back to Manila!
Ang staff at Warriors ng Weekend Gateaway! :)

3 comments:

Nicole said...

Next time na pagbalik ko sa Dakak, dapat kasama ko na si neiL! ♥

woot! woot! Natapos din! :D

anney said...

I want to try the bull ride! Ganda namn ng view sa dakak!

pritsininni said...

wow..all the more i wanted to go to dakak! thanks!