Friday, October 07, 2011

Ang Dakak! Bow!

Inuulit ko, kung anuman ang mababasa ninyo mo sa blog na ito ay pawang obserbasyon ko lamang. :P
After naming maglibot at maglunch sa Kainan ni Kamayan ni Manay, dumating na ang isa pa naming kasama from airport at ang sundo papuntang Dakak.
Welcome Lei! ♥
Halos kalahating oras din ang nilakbay namin. At habang palapit kami sa aming pupuntahan, nawawalan na ng signal ang cellphone ko. Pagdating sa Dakak, wala ngang signal ang suncellular. Nice! Walang istorbo habang nandito! Hihi!
Welcome to Dakak!

From main gate, malayo pa ang reception area, beach at mga accommodations. Hindi siya advisable na lakarin, kailangan talaga may sasakyan. Dumirecho kami sa reception para malaman na namin kung nasaan banda ang aming tutuluyan. Ayon sa mapang binigay nila, medyo malayo kami sa pool at sa dagat. Malapit sa Veranda Restaurant kung saan ang may videoke. Dito palang hindi ko na maiwasang icompare ang Dakak sa Pearl Farm. Kung may makasalubong kang staff sa Pearl Farm talaga namang todo bati with smile. Dito, wala. Merong iilan pero mas marami ang deadma. Hindi naman sa nagfefeeling mayaman ako ha. Parang nakakatuwa lang kasi na malaman na welcome ka sa kanila. Iyon lang naman ang point ko. :)
Ok, move on. From reception area, nadaanan namin ang Resturant,Pirates Disco Bar, dalawang swimming pool at Veranda Restaurant.
Excited na akong makita ang room namin. :) Maganda sa labas. Mukhang nakakapagod lang umakyat. Hehe! 
 
May side kwento muna ako dahil hindi ako makaget-over sa pangyayaring ito. Ito ang nakuha naming package from Travelsmart.
BARKADAHAN PACKAGE - Quadruple Sharing (PHP 5600)
- Two (2) days/ One (1) night DELUXE ROOM accommodation
- Breakfast
- Roundtrip airport/wharf/resort transfer
- Welcome Leis, Welcome Drinks

Dito na kami ngpabook dahil mas mura ng P200 compare kung direct sa Dakak. Kaso naman nung lumabas na sa billing ng credit card, nadagdagan ng 300+! Bad trip talaga! Ang reason na binigay sa aking ng Dakak, depende daw kasi sa credit card company kung magkano ang conversion rate ng piso sa chinarge nilang dollar! Ah ewan!
Balik na ulit sa room na inavail namin. Presenting the Deluxe Room good for 4 pax!
Malaki ang room at kama. Kasya na nga kaming 4 eh pero humingi pa din kami ng extra mattress, na kasama naman talaga sa package. At kasyang kasya ito sa gitna. Perfect!
Merong isang pinto para sa papasok sa restroom at dressing room(?).
Nakita ninyo ang ref? ;)
Ok naman ang room. Mas nagandahan lang ako sa room namin sa Pearl Farm pero hindi ko masyadong macompare dahil good for 4 pax ang room na ito at sa pf ay good for 2 lang.
Maraming inaayos sa Dakak pagdating namin. May tinatayo pa ngang restaurant ata iyon sa may tapat ng room namin.
Masarap ding tumambay sa labas ng room habang nagkakape. :)
After naming magpahinga ng unti at magbihis ng pangswimming game na! Sabik na sabik na ako sa karagatan! Hehe! 
Mga babaeng ligaw sa ZaNorte! :)
(L-R : Me holding Bachengcheng, Bhem, Niccolai & Clarisse )
Sabihin nga ninyo kung may mali sa mga suot namin? Tingin kasi namin wala naman. Kaso pagpunta namin sa dagat, may isang grupo ng mga babae at lalaki, siguro kaedad din namin, pagdaan namin tinitignan nila kami tapos nag-uusap sila ng lengguwahe nila. Hindi namin maintindihan kaya deadman na lang kami. Doon na lang kami pumuwesto sa kabilang side. 
Magandang hapon Dakak! :)
Malakas ang alon. Tambay muna kami sa mga duyan tapos pictorial hanggang hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw saka kami lumangot-langoy! Sarap! Namiss ko ito! ;)
At nang mapagod na,lumipat naman kami sa swimming pool. Ang dalawa naming kasama kumain naman. Ang predict sa food, mahal pero wala naman daw kakaiba. 
Hindi sila strict sa swimming pool. Kahit naka-basketball shorts ka, ayos lang unlike sa Pearl Farm. Feeling tuloy namin overdressed kami. At nakaka conscious ang mga lalaking nanonood habang ngsswimming ka! Naman talaga! Kung marunong lang talaga akong lumangoy doon ako sa 6 feet-up magsswim at halos walang tao!
6 feet - up
Pumunta ulit kami sa reception para ireport na hindi gumagana ang Chinese Telephone namin sa room, hindi namin alam kung dahil ba hindi namin maintindihan ang mga nakasulat dun kaya ayaw gumana o sira talaga! At humingi na din kami ng karagdagang toiletries. After namin sa reception, nagpasya na kaming bumalik sa room at nagpamasahe sila habang hinihintay ang oras papuntang Gloria's Fantasyland.

4 comments:

Nicole said...

Next na ang Fantasyland at ang all-by-myself na pag-akyat sa taas makita lang ang dakak sa ibang view!;)

kainis! ang tagal matapos! Haha!

Pinoy Adventurista said...

wow! but not so white sand ang beach? very native ang room ah... nice! wala naman mali sa suot nyo, baka di lang sila sanay... hehehe!

Kura said...

hahah! Ikaw ang nainip sa series mo girl? Ganyan din ako sa coron series ko. Anyway, at least e napost mo na ang Dakak na inaantay ko. Very observant din ako sa staff like you. Buti na lang maganda ang place kundi imbyerna talaga aabutin nila sakin. bwahaha!

yaan mo na ang mga inggiterang praglet. Ipapaubaya ko ang linya kong ito "Those who like me, raise your hands!! and those who don't like me, RAISE YOUR STANDARDS!!" Sabay irap! Ganun! hahaha! Keep blogging

Nicole said...

@pinoy adventurista - medyo white naman siya. oo native talaga ang rooms. Nakakatuwa nga eh. Oo nga eh, ayon din naisip namin, hindi lang sila sanay! Haha!

@Maricar- like! Haha!