Sunday, June 26, 2011

Manila Day with Falcon!

Tuwang-tuwa pa naman ako kasi 3 days lang ang ipapasok namin sa week na ito.Monday, July 20, holiday kasi 150th Birthday ni Rizal tapos friday, Manila Day! Ang dami kong planong gagawin. Kaso naman, itong si Falcon pampam! Thursday, hindi kami makauwi galing opisina dahil baha sa labas! Ang daming stranded. Nilusong namin ang mataas na baha para makauwi. Grabe talaga! 
June 24. Manila Day. Walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ang dami ng pumupunta sa Evacuation Center. Kami naman, nagliligpit na. Naghahanda na sa nagbabantang pagdating ng baha. Exactly 11:00PM, nasa labas na ng bahay namin ang color chocolate na tubig. 
Falcon, pwede bang hanggang diyan ka na lang!
Ito naman ang sa may kalsada. Hanggang tuhod na! Kanya-kanyang likas! Mas mahirap na ang abutan pa ng mas mataas na tubig. 
After ilang minuto, wala ng nakapigil pa sa pagpasok sa bahay namin. :(
Buti na lang hindi na ganun tumaas pa ang tubig. Mga 3 inches ang pumasok sa bahay. Salamat Bro! So kinabukasan, operation general cleaning!

5 comments:

Nicole said...

for 26 years! Ganyan kapag me bagyo! sanay? Hindi pa rin! Nakakatakot pa din. :S

Chyng said...

may panlaban ako jan!
mejo maliit lang yung baha ngayon compared kay Ondoy.. pagtyagaan mo ang baha sa bahay namin.. hehe

http://i52.tinypic.com/m93y8k.jpg

Nicole said...

Infairness sa baha sa inyo ha, hindi color chocolate! At ang tatag ng pc mo, hindi natakot! Hehe! Buti talaga hindi siya tulad ni Ondoy!

Chew On This said...

waaah! nakaka inis talaga ang baha! Kahit san ka pa. I blame the sewage/drainage systems talaga dito sa tin. Sana yan na lang pagkagastusan nila... para walang mga baha! Ang hirap mag pundar ng gamit kung babahain lang :(

Nicole Santiago said...

Oo nga eh! Buti nga hindi masyadong mataas.