19 February 2011
Super-duper late post! :|
Ako hindi. Haha! Pero nagkayayaan kaming magpahula. Noong sinabi ko iyon kay neiL ang sabi niya, ako na lang manghuhula sayo! Haha! Kalokohan lang daw iyon. Katwiran ko, try lang natin. Nasa atin pa din naman kung ano ang mga gusto nating paniwalaan eh. Maexprience lang.
Ayon nga, dumating na ang appointment date namin sa manghuhula. Oo,kailangan ng appointment. Saka ayaw daw ng marami. Baka mastress? Hehe! Habang papunta kami bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero tumuloy pa din kami. Nakakahiya naman sa mga kasama namin at sa manghuhula. :)
Tondo. Dahil late na kami sa appointment namin, nagmamadali na kami. Naiwan nga si neiL sa labas dahil walang parking. Kaya kami nalang ang pumasok tutal hindi naman siya mangpapahula. Ang naiisip kung manghuhula ay matandang instik. Pero hindi, malaking pagkakamali. Hehe! Una, hindi siya intsik. Pilipino siya. Pangalawa, hindi siya lalaki, hindi din babae. ;) Bading si kuya. Nga pala, ang manghuhula ay recommended ng friend ng friend ko.
Ok simula na. Una sabi ko kinakabahan ako, bakit naman daw. Sabi ko, baka po kasi sabihin ninyo na mamamatay na ako mamaya. Hehe! Wala daw ganun. Ok buti naman! Hehe! Pinasulat niya ang name at birthday ko sa papel. Tapos tinanong niya ako kung may bf ako. Sabi ko, oo. Pinasulat din niya. May binilugan siya sa mga names namin, parang flames lang eh! Hehe! Pagkatapos sabi niya, complatible kayo. Si neil na ang mapapangasawa mo! Haha! Natawa talaga ako. Sabi pa niya, swerte ko daw. Mabait daw si neiL. At kung anu-ano pa. Hehe! Feeling ko nga si neiL ang hinuhulaan eh. Extra lang ako. Hehe! Marami siyang sinabi, ito ang ilan na gusto kong ishare. :) Iyong iba, secret na lang! Haha!
• Nagiisip daw kaming pumunta sa Singapore at Hongkong.
Totoo ito.
Totoo ito.
• 2012 or 2013 daw ako ikakasal.
Haha! Haha! Haha!
Haha! Haha! Haha!
• Magkakaanak daw ako, isang babae at isang lalaki. Huwag ko daw isipin na hindi dahil sa sakit ko.
Naiisip ko talaga ito kasi PCOS ako. Noong sinabi niya ito, naisip ko, nakakabasa kaya siya ng isip?
Naiisip ko talaga ito kasi PCOS ako. Noong sinabi niya ito, naisip ko, nakakabasa kaya siya ng isip?
• Wala daw babae si neiL.
Haha! Adik.
Haha! Adik.
• Lakas ko daw manlait.
Hindi naman masyado no!
Hindi naman masyado no!
• Magkakawork na daw ang mga kapatid ko.
Magdilang-anghel ka sana.
Magdilang-anghel ka sana.
• Gusto ko daw after ikasal, magsarili agad.
Totoo ito.
Totoo ito.
• Puti daw color ng bahay namin.
Tignan nga natin. Hehe!
Tignan nga natin. Hehe!
Hindi ko na matandaan ang iba! Haha! Memory gap! Tsk tsk! Basta ang dami niyang sinabi, sa love life, career, family at kung anu-ano pa.
Sa aking palagay, anim sa sampu niyang sinabi totoo. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman, hindi ko alam kung nakakabasa siya ng isip o anuman.
Ngayon, naniniwala na ba ako sa hula? Hindi pa din. Hehe! Sabi nga Nakikita diyan ang kapalaran ko. *wink*
4 comments:
Kakaibang exprience ito! ;)
San m nakilala tong manghuhula na ito? As in okay ba? Gusto ko din kasi.. Salamat
magkano naman nag siningil ni kuya?
pede malaman name nya at magpapahula lang ako salamat :)
Post a Comment