Monday, January 17, 2011

Food Trip: Pan de Amerikana

Simulan na ang foodtrip ngayong taon! :) Syempre saan pa ba magandang simulan ito kundi sa malapit sa amin. Matagal na akong nakakabasa at nakakapanood about sa Pan de Amerikana at nadadaanan na din namin ito pero hindi kami magkaroon ng chance para kumain at bisitahin ang lugar. Kailangan talaga nakasked! Haha! 
Ang landmark!

Lunch kami pumunta dito kaya feeling ko pagdating namin puno. At akala ko pa need ng reservation para makakain, buti hindi! Hehe! Order kami agad bago maghanap ng mauupuan. Marami ngang tao. May mga estudyante, may barkada, family at may nagcelebrate pa ng birthday. Buti patapos na silang lahat kumain pagdating namin. Nahiya pa kasi akong magpicture nung madami dami pa ang tao. Hehe!

 Ang napakalaking electric fan at maingay siya ha!
Natutuwa ako sa ceiling, may mga sanga nakalawit! Hehe! Sabi ng friend ko noong pinakita ko iyong pictures, para daw Bohol Bee Farm, naisip ko, oo nga may pagkakahawig. Pati restroom pinuntahan ko kasi sabi nila maganda daw. Maganda nga at malinis. 
Umakyat din ako sa tree house para makita iyong hanging bridge. Wala namang iba pang makikita sa taas dun iyong hanging bridge at bubong. Hehe!
Sa wakas dumating na din ang lunch namin! :)
Mango Shake - P30 and iced tea pitcher - P80
 Bangus Belly- P80
 Pinakbet Ilocano - P30
Dinuguan with Rice - P55
Ang mura ng pagkain dito. Next time nga ittry naman naming pumunta ng breakfast. :) Masarap! Lalo na iyong dinuguan! :) 
Pagkatapos naming kumain, kwentuhan habang nasa duyan at inuubos ang red iced tea! Napansin lang namin na matagal linisin ang tables ng mga tapos ng kumain. Hindi ko lang alam kung hindi nabusog si neiL or gusto niya lang tikman ang ensaymanda dito kaya siya bumili. Haha! Takaw! Syempre change table naman kami. Doon namin kami pumuwesto sa may malaking chess! :) Next time na naming itry ang maglaro ng Dama. Ang talo, maglalakad pauwi! Haha! 
Magandang tumambay dito habang nagkkwentuhan, nagkakape at kumakain ng ganito kalaking ensaymada! :)
Ensaymada - P10/each
At syempre kakalimutan ba naming ang kanilang huge pandesal, syempre hindi! :D Take-out na ito, hindi na kaya! Hehe!
Pan de Amerikana (P55)
Excited na akong bumalik at tikman ang kanilang breakfast meals. *wink*

Nga pala, happy 1st anniversary Galanamen! :))

----------------------------------------------------------
Pan de Amerikana
Open from 6am to 7pm everyday except Sundays 6am to 3pm
#92 Ordonez St. Concepcion dos Marikina City
Telephone: +632 475-2398, +63917-5308824

14 comments:

Nicole said...

Gusto kong matikman iyong hot choco nila. :)

Madz said...

Happy anniversary to your blog!

Kung hindi lang malayo ang Marikina from where I live puntahan ko na sana, the food is super affordable! Nice photos :)

i♥pinkc00kies said...

looks yummy

Nicole said...

@ Madz- Thanks! :) Marami na naman silang branch. You can check their site, malay mo may malapit sa inyo. :)

@[cookiespink]-yummy nga! :)

John Marx Velasco said...

Wow! Try ko ensaymada nila next time sa Katipunan branch nila. ;)

Nicole Santiago said...

@marxtermind - sarap ng ensaymada nila. :) Next time din try din namin iyong sa katipunan branch. :)

Chyng said...

promising!
ano pa nasa menu?

yun oh, 1 yr na ang blog. pacontest na yan! ^_^

Nicole said...

@chyng – Dami silang food. :) Gusto ko ngang itry breakfast meal nila e. Saka iyong tawilis saka sinugba! May mga pasta din sila. Pacontest? Haha! Labo! Hehe!

rob said...

.. manamisnamis ba yung pan de amerikana? di ako sigurdo kung yan nga yung natikman ko dati. namiss ko naman ang ensaymada!

.. thanks for linking my blog, may nagbabasa pala ng blog ko?! haha. comment ka din dun ha. will also link yours. ;)

Chew On This said...

sis, blog hopping here. Super enjoy ako magbasa ng blog mo :) I want to follow, but I don't see any follow button :( hope to read more :)

Nicole said...

sis thanks! Kakatuwa naman at nag enjoy ka.. Hehe!

Sige lagay ako. Wala naman kasi akong follower e! Haha!

princess_dyanie said...

ay taga marikina ka pala. madaming food sites diyan ah! :D

Nicole said...

@Dyanie- Oo taga-Marikina ako!:)Ayon nga plan namin this year eh, magfoodtrip sa Marikina! Haha!

renee said...

Yey! May nakita din akong latest post about pan de amerikana, hehehe. ;) Salamat sa info. Gusto ko rin pumunta dito, tumambay sa maganda nilang bakuran habang nag-aalmusal. At ang mura ng food nila, grabe! :)