Thursday, December 30, 2010

Food Trip: Last na ito!

, Ngayong taon! :) Aksidenteng pagkakadiscover ng kainan na ito. Pupunta dapat talaga kami sa Market!Market! para bumili ng basketball shoes ni neiL. Ang problema, ulan ng ulan. Hindi kami makapagmotor kaya hinintay pa namin si Bluish before makaalis. Dahil past 4PM na din iyon at malamang traffic na din, sa may Libis kami napadpad. 
Meron din doon na bilihan ng sapatos na mura lang malapit sa Shopwise. Kaya ayon, doon na lang kami bumili. Pagkatapos naming bumili ng sapatos, derecho grocery na din kami sa Shopwise. Nakakatuwa kasi may nakita na kaming Tanduay Ice! Haha! Ang dami na kasi naming napagtanungan puro wala. :) 
Syempre nakakagutom pagkatapos, pagbaba namin may nakita kaming kainan, Yang Chow Dimsum and House Tea. Tapos ayon, dun na din kami kumain! At hindi kami nagkamali, ang sarap! :)
Yang Chow Fried Rice - P150

Wanton Noodle Soup - P90
Mango Chicken - P200
Hakaw ( 90% Shrimp ) - P75

Ang sarap ng lahat ng kinain namin. :) Sulit ang medyo mahaba-habang paghihintay. 

Babalik kami para tikman ang iba pa nilang pagkain at makahingi ng kanilang House Tea! Haha!

*Photo taken using Mobile Phone

1 comment:

yayyadanda said...

Sarap talaga! Gusto ko ulit bumalik dun sa weekends! Haha!