Marami kaming pinagpilian kung saan namin icecelebrate ang aming ika-apat na taon. :) Dahil pareho naming gusto ang beach, malapit lang ang biyahe, pasok ang Zambales. Nakapunta na ako sa Anawangin 2 years ago with college friends. Ito pa nga ang kauna-unahan naming gala eh. Pero hindi nakasama si neiL doon dahil sa bawal ang magsama ng boyfriend! Sabi ko nung nakita ko Anawangin, dadalhin ko doon si neiL, dapat makita din niya iyon! :) At dumating na nga ang takdang panahon. :)
Sa tulong ng GT ( for the nth times! Kasama na ito basta travel ang pag uusapan! Hehe! ), nakakuha ako ng contacts. Ang pinili ko syempre iyong recommended para subok na, si Mang Johnny. :)
Wednesday, January 5. Nagpunta akong Victory Liner sa may España para bumili ng tickets. Kaso lumipat na pala sila. Naglakad ako ng malayo-layo. Pero ok lang kasi mas maganda ang bago nilang terminal sa may Legarda. :)
Thursday, January 6. Pareho pa kaming pumasok sa trabaho dahil 11PM pa naman ang kinuha naming sked. Naggrocery pa ako sa SM Manila para sa mga kailangan namin, hotdog at marshmallow! :D Nagdinner muna kami sa Mang Inasal malapit sa terminal before kami pumunta sa Victory Liner. Mas komportable ang maghintay dito kaysa sa luma nila terminal. :)
Unang picture namin ngayong 2011! :)
11PM. Sakto umalis ang bus.:) Bago pa ang bus nila. Sakto lang ang lamig at ang takbo. :)
Happy 48th! ♥