Wednesday, December 01, 2010

Mga Pamahiin

Pumunta kami sa Pangasinan kasi namatay ang Lola sa tuhod ni neiL, si apong. Ang dami nilang pamahiin from burol hanggang libing, ang iba alam ko, ang iba naman taliwas sa alam ko at ang iba naman, doon ko lang nakita.
Una,ang pagtatali ng puting tela sa ulo ng pamilya ng namatayan. Noong dumating kami, ang naisip ko may sakit si Inang ( sorry naman, hindi ko talaga ito alam. ), Lola ni neiL, wala naman pala, ganun daw talaga iyon.
Pangalawa, sa araw ng libing, anak at kamag-anak ang nagbuhat ng kabaong. Ang pagkakaalam ko, bawal ang kamag-anak magbuhatn ng kabaong.
Pangatlo, pagkatapos ng libing, may isang planggana ng tubig na may mga dahon ang pinapahid sa ulo ng mga nagsipaglibing. Buong ulo pinapahiran tapos may palo sa noo. Ang pagkakaalam ko naman dito, hugas lang ng kamay.
Pang-apat, sa ika-sampung araw, nggugulgol ang mga kamag-anak. Ang paggulgol ay ang pagligo sa ilog. Hindi ko ito alam. Meron pa silang ginawa bago maligo sa ilog. Nagsiga ng damo tapos iyong abo, nilagay sa tubig tapos nagkatay ng manok at iyong dugo hinalo sa tubig na may abo. Tapos ito ang nilagay sa ulo ng mga anak ng namatay bago maligo sa ilog.
Panglima, pagpunta sa ilog at pagbalik sa bahay, dapat nakapila.
Pang-anim, dapat kumain ng saging pagkatapos ng gulgol.

Iba-iba talaga tayo ng paniniwala, ang mahalaga, respeto.


Kayo ano ang mga pamahiin na naobserbahan ninyo na hindi ninyo pa alam o taliwas sa alam ninyo? :)

3 comments:

Nicole said...

Wala namang masama kung susunod tayo db? :)

Lagawan said...

Naamaze ako dito! Sa Bohol naman pagkatapos nyo bumisita or uilibing ang patay, nagsisiga sila. Tapos lahat ng nakilibibg or bumisita, kelangan tumalon dun sa siga.

Nicole said...

Haha! Tatalon pa sa siga? :)

Ako din eh. Kasi first time ko talagang makaranas ng ganito. Pag uwi ko nga todo kwento ako sa bahay namin. Hehe!