The purpose of the trip is usually observation for education, non-experimental research or to provide students with experiences outside their everyday activities, such as going camping with teachers and their classmates. - Wikipedia
Haha! Fieldtrip talaga kasi napakadami namin! 14 kaming lahat. Partida pa yan may 2 pang hindi tumuloy! Haha! Ang hirap maghanap ng accommodation, sasakyan na kakasya kaming lahat, as much as possible gusto talaga namin sa iisang sasakyan lang kami para bonding moment pa din kahit nasa biyahe at higit sa lahat within the budget. :)
Pero sa tulong ng pagbabasa, pagtatanong at gT, naging madali ang lahat! Salamat sa inyong lahat! :)
November 20, 5:30AM nasa airport na kami ni neiL. Hindi kami masyadong excited. Kami lang naman ang kauna-unahang pasahero ng Flight No.: 5J - 563. Haha! Noong araw na iyon, overbooking daw ang Cebu Pacific kaya naman nagoofer sila ng FREE ROUNDTRIP TICKET sa mga pasahero. Sabi ng mga kasama namin, magiging 11AM daw ang flight ng 8AM if tinanggap nila, ok lang sana kung kaming lahat eh! Haha! Isipin nila 14 kami! Haha! Kaso naman ang pangit sa offer nila good for one month lang ang tickets! Haha! Anyways, walang nagpasilaw sa aming lahat kaya lahat kami 8AM ang flight.
si bachengcheng ready ng gumala! :)
9:30AM, Welcome to Mactan International Airport, Cebu City! :)Bagong Gala, bagong mga kaibigan! :)
Pagkatapos naming makuha ang aming mga gamit naglakad na kami papuntang pilahan ng Metered Taxi. :) Malayo din pala ang City sa Airport. Haha! Dahil sa 2PM pa ang checkin time, nakiusap na lang kami sa Receptionist ng Verbena Pension House kung pwede naming iwanan ang gamit namin para makapagLunch na din kami. Pumayag naman sila. Bait! Kuha ulit kaming taxi at nagpahatid sa CNT Lechon sa may Guadalupe.
P340/per kilo
Pagkatapos naming kumain simula na ng aming Cebu City Tour! :)
No comments:
Post a Comment