Thursday, November 25, 2010

Cebu Accommodation: Verbena Pension House

Maganda ang rooms! Sulit ang bayad namin. Ang kinuha namin ay iyong Barkadahan Room. 340/pax with breakfast. Dahil 7 lang kami per room ang daming bakanteng higaan! Hehe! Malakas din ang aircon. Dalawa ang restroom. Malakas ang tubig. Kumpleto na din, may sabon, tuwalya at shampoo. Kaso walang outlets! Haha! Pahirapan magcharge lalo na at halos lahat kami low battery na ang cellphones at camera batteries. Inalis namin ang saksak ng tv para makapagcharge lang. Hehe! Pwede namang magcharge sa may lobby habang nagccharge, free Wifi! Hindi kasi abot ang WiFi sa rooms eh. Lapit lang ng Verbena sa Robinson, nilakad nga lang namin papuntang Crown Regency eh!:) Ok din ang breakfast. Free mineral water pa! Sulit talaga.

2 comments:

Anonymous said...

ohohoho salamat sa iyong review at pics!! wala kasing pics sa website nila.

yayyadanda said...

Hehe! Salamat naman at nakatulong sayo. :)