Tuesday, August 10, 2010

New place but old faces! =)

August 6 2010
Flashback:
Sa PUP kami nag aaral noong college.. Syempre alam na.. Hindi kami isa sa mga pinanganak na mayaman.. Bongga na smin ang fries at coke float, P50,sa Mcdo sa may SM Sta.Mesa.. Pagsasama samahin namin ang lahat ng fries sa isang tray then go na! Walang hiya hiya! :) 2 hours na videoke sa may Worlds of Fun o kaya naman sa may Quantum. Ayan ang gala smin.. :) Kapag may birthday, dinadayo namin sa bahay! :) Mas tipid maghanda sa bahay eh! Kaya halos lahat ng pamilya naming magkakabarkada, nameet namin. :)
Kaya kapag dumating ang month ng August natutuwa na kami! hehe! Baket? Kasi sa barkada,10 kami, 4 ang may birthday ng August! Kaya iyon bonggang bongga ang celebration! =)  Bonggang bongga means may cake, videoke o movie.. =) Hati hati kasi sila sa treat..=)
Back to Reality! :)
August month na! =) Ganun pa din, ngpaplano sila ng treat! Ang nangyayari nga, parang annual meeting! hehe! Pero syempre nglevel up na ng bonggang bongga! =) Hindi na kami sa videoke sa may SM! Last year sa may Center Stage sa Makati, ngayon sa may Music Bank naman! O db bongga na! :) At sympre kung dati 10 lang kami, ngayon 10 and counting na kami! :)
cake! yum yum!

Early birds! =)
Happy Birthday guys!
L-R ( Chase,Prue,Noran, Lui, Brian )



 Thanks prue! :)
I ♥ my friends! =)

2 comments:

Chyng said...

apir, taga PLM naman ako! pang-poor din.. hehe

yayyadanda said...

haha! iskolar ng bayan eh! =)