Wednesday, May 19, 2010

danda's day: 2nd gift! =)

Nakakatuwa naman iyong babaeng nakasabay ko kanina sa shuttle papasok ng office..=) Binigyan niya kami ng sampaguita sabay sabi "Lagay ninyo sa panyo ninyo para mabango.."
salamat ate! ^_^
Naalala ko tuloy noong college pa ako.. Pag pumapasok ako may nadadaanan akong bahay na may tanim na sampaguita.. Lagi akong nagnanakaw pumipitas ng sampaguita.. =) Kapag tinatanghali ako ng pasok, wala na akong napipitas, kinukuha na kasi ng may-ari. Tapos isang araw, nakita ako ng may-ari.. hahah! Hindi naman siya nagalit.. =) Simula nun, kapag tanghali na ako binibigyan na niya ako ng sampaguita.. =) Pero pagkatapos ng Ondoy, ayon hindi ko na nakitang nagbulaklak iyong sampaguita tapos iyong may-ari hindi ko na din nakikita.. :( Hindi ko alam kung lumipat na sila ng bahay..


Kaya kanina, natuwa talaga ako! ^__^ 


I consider this sampaguita as my second birthday gift after spongy! ^__^

No comments: