Tuesday, January 26, 2010

sa binyagan..

Nadagdagan na naman ang listahan ng aking mga inaanak.. Last december, 14 ang inaanak ko.. nadagdagan pa ito ng isa bago magpasko.. Isa na naman this year! Bale 16 na sila! :) At ito ang nasaksihan namen sa binyagan na iyon.


Si Father, nagtetext habang nagbibinyag! joke lang! :) Ang totoo si Father, binabasa ang sermon (ano ba ang tawag dun?) sa kanyang cellphone. Nagulat talaga ako kasi kelan lang nabalita na pinagbabawal na ang pag gamit ng cellphone sa loob ng simbahan tapos ito! 
Sana sinulat na lang sa papel saka iyon ang ginamit kesa sa cellphone.
Ito pa nakakagulat, habang kumakain kame may dumating na bisita..
At doon ko naisip na hindi lang pala sa binyag na iyon si Father, ganun pala talaga siya pag nagbibinyag.. hmmmm.. Ok lang ba un? Para kasing hindi. Kaya hindi umuunlad ang bansa naten dahil ang mga nagpapatulad ng batas ang hindi marunong sumunod.. :|


january 24 2010
marikina city




No comments: